Everyone can say “I love you” but not everyone really mean it. So, believe it when you feel it, not when you hear it.
Via Everything Inspiring..Pasensya na sa mamalat malat na boses! Kagigising ko lang po. Ü feel lang kumanta, pagbigyan nyo na. ♥
Dear Girls… and Guys na may mahahabang buhok,
Hindi naman siguro masama na hawakan nyo yan or mag tali ng buhok habang nakasakay sa jeep. Maging sensitive lang sana sa katabi na lumalamon na ng buhok nyo, wala po tayo sa isang photo shoot or shampoo commercial para mag hangad ng wind effect. Kung di lang sana masama mang gupit ng mga buhok na mag va-violate ng space na binayaran namin sa jeep, shoulder length na yang mga buhok nyo.
Sincerely,
Commuters
ANG MGA BABAE KASI GANITO:
ANG MGA BABAE KASI GANITO:
Mga Kaugalian ng mga Babae.
1. AYAW ng binababaan ng phone bigla. Mabilis silang mainis sa ganun.
2. AYAW ng nire-replyan ng “?”.
3. Minsan, kapag sinabi niya na gawin mo na lang ginagawa mo, meaning nun ihinto mo ginagawa mo at kausapin mo siya.
4. AYAW ng inaasar siya ng sobra kasi minsan nao-offend na siya.
5. Kapag galit ka, ‘wag mo i-ooff ang phone mo dahil automatic ‘yan, tatawag siya dahil nag-aalala siya.
6. Kapag galit siya, suyuin mo siya. Babaan mo ang pride mo dahil malamang, World War III ‘yan kapag hinayaan mo na ganun lang mangyayari sa inyo.
7. Kapag binabaan ka niya ng fone, gumawa ka ng paraan para makausap mo siya. ‘wag mo na paabutin ng umaga na walang ginagawa. Dahil iisipin nun na she’s not worth your time.
8. Kapag nagtanong ka kung anong problema niya at sinabi niyang “wala”, ‘wag kang magsabi ng “okay”. Tanungin mo siya ulit. Ayaw nila ng madaling kausap. Gusto nila ng kinukulit sila.
9. Kapag inaasar ka niya, meaning nun nagla-lambing siya. ‘wag kang mapipikon dahil mabilis silang magtampo.
10. Kapag binigyan ka niya ng oras, ‘wag mo sayangin.
Ang babae, pakipot ‘yan. Gusto sinusuyo lagi. Gusto lang naman ng lambing niyan kaya nang-aaway o nagpapansin eh. Minsan talaga, ang babae, mahirap i-pinta. Para silang abstract, magulo pero maganda pa rin.
![PINAKAMAMAHAL NA MGA KAIBIGAN. :]](http://24.media.tumblr.com/4cbda11a07db7075fa9a7db8cf6bbceb/tumblr_mhymqylvl41qc3l0bo1_500.jpg)








